Inaasahan daw ng two-time WBO welterweight champion na si Timothy Bradley na siya ang mananalo sa trilogy fight nila ni Manny Pacquiao sa Abril. Ito ay dahil sa napag aralan nilang mabuti ang mga fight tapes ni Pacquiao at mas detalyado na raw ang kanilang mga strategy para makaiwas sa kaliwang kamao ni Pacquiao.
Handang-handa na raw ang two-time world boxing champ na si Amir Khan sa nalalapit na sagupaan nila sa middleweight ni Saul “Canelo” Alvarez sa Mayo 8 sa Las Vegas, Nevada, USA.
Sa loob ng limang araw na pagsasagawa ng Philippine National Games 2016 sa Lingayen, Pangasinan, nananatiling pinangungunahan ng national team ang paghakot ng medalya.
Hinainan ang five-time Grand Slam winner na si Maria Sharapova, 28, ng apat na taong suspension dahil sa positibong paggamit nito ng Meldonium, isang substance drug na isinali na sa mga banned substance noong Enero ng kasalukuyang taon ng World Anti-Doping Agency (WADA).
|
ArchivesCategories |