LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San ANG mga kababayan natin, mahihilig talaga sa guwapo. Kaya naman marami ang na-excite kay Zander Ford. Keber kung produkto si Zander ng ‘salamat po, doktor’, ang importante, guwapo. May talento naman sa pagsayaw si Zander na dating Hasht5 member. Siyempre, wait ang masa kung anong proyekto ang kanyang gagawin. Hindi nga maiwasan na ikumpara siya sa mga guwapong Kapamilya actors gaya nina Daniel Padilla at Enrique Gil. Wait and see tayo kung gagawing bida siya sa isang teleserye o ilulunsad na bidang aktor sa pelikula. In siya ngayon sa showbiz sa kaguwapuhan at pansamantalang nag-eclipse ang kasikatan ni Empoy Marquez. May gan'un talaga e, impernes kay Empoy, ratsada siya sa paggawa ng pelikula. After Kita Kita made P300M sa takilya, sinunggaban siya ng Viva Films para gawing lead sa The Barker. Pero, talbog ang produksiyon ni Vic del Rosario dahil pumirma na si Empoy ng exclusive movie at tv contract sa ABS-CBN. Uso raw ngayon ang natural na aktor, as in ‘in-born’ lang ang appeal. Kung sabagay, basta nag-eenjoy sila sa mga pelikula ni Empoy, go lang sa pagbayad sa takilya. Mismong ang masang Pilipino ang tumangkilik at nagustuhan nila ang tema ng pelikula, nasiyahan sila sa pag-arte ng millennial guwapo na si Empoy.
Ni Favatinni San LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|