LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Isang emosyunal na Xian Lim ang humarap sa kanyang solo blogcon na inihanda para sa kanya ng Star Cinema. Kwento ni Xian, natapos nila ang shooting ng Everything About Her, pelikula kunsaan kasama niya sina Angel Locsin at Gov. Vilma Santos. Ayon kay Xian, hindi nila akalain na matatapos nila ang shoot considering na ang playdate nito ay ilang araw lamang matapos ang last shooting day. Sa sobrang saya nga raw nila sa set ay nagsayawan pa sila matapos ang pinakahuling eksena.
Hindi naman nakaligtas si Xian sa tanong kung ano ang pakiramdam niya na ipinagtanggol siya nina Angel at Gov. Vilma laban sa mga bumabatikos sa kanyang akting. Never daw niyang inasahan na magsasalita ang mga kasamahan niya sa trabaho para ipagtanggol siya. Hindi naman daw kasi nila pinaguusapan sa set ang mga negatibong komento sa kanyang akting. Kaya nang magbitiw ng salita ang mga kasamahan sa pelikula ay sobrang pasasalamat daw ni Xian na mga beteranang aktres pa ang nagtatanggol sa kanya. Sa kabila ng lahat, malaki ang pasasalamat ni Xian sa Star Cinema na kahit kabi-kabila ang batikos sa kanyang kakayahan sa pagarte ay binibigyan pa rin siya ng oportunidad na mapabilang sa quality film projects ng nasabing film outfit. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|