Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


​VICE, KABADO SA MADALAS NA PAMBUBUKING NI COCO SA LOVELIFE NIYA

12/23/2015

Comments

 
By Glen Sibonga
Iniiwasan na raw ni Vice Ganda na magkuwento at magsabi ng tungkol sa kanyang lovelife sa bestie niyang si Coco Martin dahil madalas siyang ibuking nito. Gaya na lang sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang entry ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2015, ang Beauty And The Bestie, kung saan may panibagong pambubuko na namang ginawa si Coco kay Vice.
Natanong kasi si Coco kung kilala na ba niya ang bagong lalaki sa buhay ni Vice, na umano’y nagbibigay ng black and white na roses? “Sa kanya? Hindi naman nagbago iyon e,” bulalas ni Coco.
Pero tila bigla ring kumambiyo ang aktor at sinabing, “Hindi, ang ibig kong sabihin si Vice ang hindi nagbago. Never siyang nagbago.”
Ano ang ibig niyang sabihin? “Ano po, virgin ngayon iyan,” biro ni Coco. “Hinahayaan niya lang ulit tumibok ang puso niya.”
E di ba parang tumitibok na ulit ang puso ni Vice? “Hindi gaano e.”
Pero isine-share ba ito ni Vice sa kanya? “Hindi, hindi niya sa akin isine-share. Lagi lang akong kumukuha ng impormasyon tungkol sa kanya.”
Picture
Kaya nga ibinuking niya noon iyong isang Chinese guy, di ba? Chinese ba ulit ang bagong guy ni Vice ngayon? “Ay, hindi!”
So, ano? “Baka mag-away kami ulit, e,” biro ulit niya.
Pero alam niya? “Oo, naman po. Masaya ako, basta masaya po siya.”
Saan ba siya hindi masaya? “Depende, pag alam kong pineperahan lang siya. Basta ang gusto ko yung mahal siya e. Ayoko nung parang pera lang ang gusto sa kanya.”
Mga ilan ba iyong pinerahan lang si Vice? “Lahat halos e,” sabay tawa ni Coco.
Nag-react tuloy si Vice, “Grabe siya o! Kaya ayoko talaga na sinasabi sa kanya e. Pag may ganyang tanong kinakabahan na talaga ako.”
Nilinaw din ni Vice na walang katotohanan ang iniuugnay na lalaki sa kanya, na lumabas sa isang website. Hindi rin daw ito ang nagbigay sa kanya ng black and white roses.
Paliwanag pa ni Vice tungkol sa nasabing roses, “Pareho lang kami ng ipinost. Kasi unang-una yung flowers na iyon ay ibinigay nung… pa-Instagram iyon nung flower shop. Kaya nga iyong caption ko comedy. E yung mga tao ang dudumi ng utak. Pareho kami ng ipinost. Bibigyan ka nila (ng flowers) pero kailangan i-Instagram.”
Walang charing? “I speak the truth.”
Pero in love ba siya ngayon? “Always.”
Iyon pa rin ba ang dyowa niya? “I will not say anything.”
Si Vice naman ang natanong kung may dyowa ba si Coco ngayon? Tumawa muna nang malakas si Vice bago sinabing, “Ayoko din namang magsalita kasi siyempre ayoko namang manggaling sa akin na, ‘Oo.’”
Natawa na lang ang lahat pati si Coco sa pahayag ni Vice. Pero ayon kay Coco, “Bata pa e. Siguro next year.”
 
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    August 2021
    July 2021
    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
SocialPH​ | Copyright © 2021 | ​All Rights Reserved