LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil SOBRA-SOBRA ang ipinapakitang pagsuporta at paghanga ng Master Showman na si Kuya Germs sa AlDub. ![]() Napag-alaman ko kasi na isasama ni Kuya Germs sina Alden Richards at Maine Mendoza this year sa sikat na Walk of Fame na matatagpuan sa Libis, Quezon City. Ilang beses ko nang napuntahan ang nasabing Walk of Fame ni Kuya Germs na umiikot-ikot sa mga business establishments sa Libis. Dagdag atraksiyon ito sa nasabing lugar at talagang dinadayo ito kagaya ng Hollywood counterpart nito. Sa December 1 magaganap ang seremonya sa pagkadagdag ng AlDub sa Walk of Fame at gumawa na naman sila ng record especially si Maine bilang pinakabagong celebrity na kahit apat na buwan pa lang sa industry ay bibigyan ng 'bituin' at makakasama na sa Walk of Fame. Marami pang mga artista na wala sa Walk of Fame. Mga artistang kung ilang dekada nang nasa industriya pero mukhang may sariling pamantayan yata si Kuya Germs kung sinu-sino ang bibigyan niya ng Walk of Fame. Grabe ang suporta ni Kuya Germs sa AlDub dahil sa December 3 ay pararangalan naman niya ang AlDub bilang Power Tandem sa PMPC Star Awards for Television na gagawin sa KIA Theater. Well, sana ma-appreciate nina Alden at Maine ang suporta at pagkilalang ibinibigay ng Master Showman sa kanila. Hindi lahat ng love team at hindi lahat ng artista ay binibigyan ni Kuya Germs ng ganitong kataas na respeto. Walang hinihinging kapalit si Kuya Germs. Basta ang pakiusap lang niya, sana ay dumalo ang dalawa sa December 1 (Walk of Fame) at sa December 3 sa Star Awards for Television. Dapat bigyan ng importansiya ng dalawa ang parehong petsa na inilaan para sa kanila ni Kuya Germs. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|