By Veronica Samio Malaking pressure para sa bagong tambalang Tommy Esguerra at Miho Nishida ang binabalak ng kanilang network na ABS CBN, kung totoo man, na itapat sila sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala sa taguring AlDub. ![]() Ang pagkakapareho lamang ng loveteam ng PBB at ng phenomenal tandem ng Eat Bulaga ay pareho silang pinagtagpo sa iisang programa at pagkatapos ay pagtatambalin na sila. May bentahe dito ang pareha ng Kapamilya dahil sa PBB pa lamang ay talagang nagkahulihan na ng loob sina Tommy at Miho, samantalang wala pang romansa na namamagitan kina Alden at Maine. Pero, parehong may chemistry ang dalawang tandem. At bago tayo tumutol, subukin na lang muna natin sina Tommy at Miho. Baka rin may magawa silang magic para sa It's Showtime. |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|