LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla Excited daw ang Award winning actress na si Sylvia Sanchez sa role na gagampanan ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa Kapamilya newest Teleserye na The General’s Daughter dahil ibang-iba daw ito sa mga role na nagampanan na ni Arjo.
Tsika nga ni Ms Sylvia “Si Arjo, lalabas na ‘yung General’s Daughter nila, soon. And excited ako rito kasi autistic siya roon. So ibang role na naman ito kay Arjo. “From kontrabida to mabait na anak sa Hanggang Saan, tapos to autistic, tapos RomCom nila ni Jessy (Mendiola na Stranded), which is palabas na sa February yata? Tapos ‘yung Tol na comedy, ang bida ay siya, si Ketchup, ‘tsaka si Joross Gamboa . Dagdag pa nito “So natutuwa ako kay Arjo kasi iniikot niya… comedy, drama, kontrabida, RomCom, na never kong na-experience. Pero natutuwa ako ngayon kay Arjo, kasi, kapag nakapasa lahat si Arjo sa comedy, magaling siya roon, tapos magaling siya sa RomCom, kompleto siya, ‘di ba? “Sobrang proud ako sa mga anak ko. Sobra! Gusto kong mas sumikat pa sila sa akin.” “So, sa General’s Daughter autistic siya na anak ni Maricel Soriano… Na sinasabi nila, even Maricel Soriano called ha, ‘Watch out! Ang galing ng anak mo!’ Sinasabihan ako ni Maricel, ‘Watch out, ang galing galing ni Arjo!’ Sabi niya, ‘Kung pinag-usapan si Joaquin (karakter ni Arjo sa Probinsyano), mas pag-uusapan ito.” Kung blessed daw sa dami at magagandang proyekto ang kanyang mga anak na sina Arjo at Ria ay hindi naman pahuhuli si Ms Sylvia dahil bukod sa kanyang bagong Teleserye sa ABS CBN ay may mga pelikula pa itong ginagawa at ang kanyang Online Show na “ Sylviahera “ na click na click sa mga manonood. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|