LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Pinasalamatan ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces ang Primetime King na si Coco Martin dahil isa ang aktor sa mga nagpupursigeng panatilihing buhay ang legacy ng yumaong mister ni Susan at Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. (FPJ). Hango sa Ang Probinsyano, ang pelikula ni FPJ noong 1997, ang ABS-CBN primetime teleseryeng pinagbibidahan ngayon ni Coco, ang FPJ’s Ang Probinsyano (FPJAP). Isang taon na sa ere ang naturang serye kung saan gumaganap sina Susan at Coco bilang mag-lola. Si Susan ay si Kapitana Flora o Lola Kap, habang si Coco naman si SPO2 Ricardo “Cardo” Dalisay, ang role na unang ginampanan ni FPJ sa pelikula.
Ayon kay Susan, “Nais kong pasalamatan si Coco Martin, ang Dreamscape dahil binuhay nila ulit ang alaala ni FPJ. Those who followed the movies of FPJ, naging adhikain niya ang ipakita that good triumphs over evil. Karamihan sa inyo marahil ay hindi n’yo pa napapanood ang mga pelikula ni FPJ. Tinatanaw kong malaking utang na loob ang inspirasyon na hinugot ni Coco sa mga pelikula ni FPJ. Isa lang siya sa iilan na nag-appreciate ng mga action movies ni FPJ at dahil diyan ay natuklasan niya ang FPJ’s Ang Probinsyano. Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga nanonood at sumusubaybay, at ang aming pasasalamat sa ABS-CBN at sa Dreamscape na isinabuhay nilang muli ang obra ni FPJ.” Napakaganda ng relasyon nina Coco at Susan on- and off-cam, na nagsimula pa nang magsama sila ABS-CBN teleseryeng Walang Hanggan noong 2012. Tulad ng totoong lola, sinagip ni Susan si Coco nang matanong ang aktor sa anniversary presscon ng FPJAP, “How much are you worth now?” dahil sa tinatamasang kasikatan nito ngayon. Pero tila hindi kumportable at hindi malaman ni Coco kung paano ito sasagutin, kaya kaagad siyang sinalo ni Susan at sinabing, “Coco is priceless!” Ni Glen Sibonga LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|