LIKE OUR FACEBOOK PAGE
NAKAKAPANIBAGO kay Shaira Mae na lumabas sa soap na walang Mark Neumann bilang kanyang leading man. Hit kasi ang dalawa bilang ultimate love team ng network. Sanay na sanay sila sa kanilang love scenes. Okay lang sa kanila ang kissing scenes. Katwiran nila’y mga artista sila. Madalas kasi silang magka-love team sa mga nakaraang projects ng TV 5. Isa na nga rito ang Wattpad episode na kinunan pa sa Hong Kong. Sa sunud-sunod nilang projects, naramdaman ng TV 5 viewers ang chemistry ng dalawa na match ang kanilang team-up. Sa pagbabago ng TV 5 leadership, nabago din lahat ang takbo ng mga love teams. Panibagong experiment ang kanilang ipinakikita sa kanilang mga televiewers. Ayon kay Shaira, may gagawin siyang bagong project sa TV 5 kasama ang kanyang bagong ka-love team. Isa sa gagawin niya ay ipalalabas sa Sari-Sari Channel 3 ng Cignal TV. Isa itong suspense drama thriller na wala pang definite title. Ibang-iba ang role niya dito kumpara sa romance-comedy-drama nila ni Mark noon.
Buhat nang nagkahiwalay sila ni Mark pagkatapos ng airing ng Baker King, minsan-minsan na lang silang magkitang dalawa ngayon. Pag may okasyon lang sa TV 5. Magkakaibang programa ang naa-assign kay Mark. Gayundin kay Shaira Mae. Natutuwa ang young actress sa kapalaran ni Mark ngayon dahil may dalawang ongoing projects ito sa TV 5, ang Tasya Pantasya tuwing Saturday night at ang teleserye sa Sari-Sari ni Mark na revival ng My Only Love nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Bukod pa sa paggawa ng indie film ni Mark, na ang unang natapos niya ay ang Ang Taba Ko Kasi, na kung saan love interest ni Mark si Cai Cortez. Si Direk Paul Laxaman ang namahala ng movie. Nagsimula na ang showing ng movie noong March 16 bilang entry sa Sine Filipino Film Festival. Ni Noel Asinas LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|