Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


SHAIRA MAE, NALUNGKOT SA PAGKAKABUWAG NG LOVETEAM NILA NI MARK NEUMANN

3/29/2016

Comments

 
Ni Glen Sibonga
​​Nami-miss na raw ng TV5 Talent Center artist na si Shaira Mae na makatrabaho ulit ang dati niyang ka-loveteam na si Mark Neumann. Clueless nga si Shaira Mae kung bakit bigla silang pinaghiwalay ni Mark. Huli silang nagkasama sa TV5 adaptation ng Korean series na Baker King noong isang taon. Pagkatapos nito ay ipinareha na sila sa iba. Sa kasalukuyan ay si Shy Carlos ang katambal ni Mark sa TV5 fantasy series na Tasya Fantasya, habang wala namang ka-loveteam si Shaira Mae ngayon.
Picture
“Oo, nami-miss kong katrabaho si Mark. Honestly, nalungkot ako nung pinaghiwalay kami. Kasi akala namin parang after ng Baker King masusundan pa ulit. Kasi ini-launch na kami as TV5 Kilig Prince and Princess, so akala ko magtutuloy-tuloy na. Akala ko desidido talaga sila na i-push yung loveteam namin. Tapos biglang naging ganun,” sabi ni Shaira Mae.
Tila nagbago raw ang ihip ng hangin nang pumasok ang Viva Communications Inc. para hawakan ang entertainment department ng TV5. Hindi nga raw alam ni Shaira Mae kung ano ang sasabihin niya sa Shark (Shaira-Mark) fans nila na nagtatanong kung kailan ulit sila magtatambal sa isang proyekto. “Actually, ang dami pa ring fans namin na nagre-request, tina-tag pa nga nila ang TV5 na sana bigyan kami ulit ng project kahit Wattpad Presents.”
Gayunpaman, happy daw si Shaira Mae sa magandang career ni Mark ngayon na sunud-sunod ang mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Pinanghahawakan na lang daw niya ang pangako ng TV5 na mabibigyan din siya ng mga proyekto. “Pero happy naman ako para kay Mark. Ako din naman e naniniwala na may balak din naman siguro yung TV5 sa akin. So, hintay-hintay lang. I’m just waiting for the new shows na ibibigay sa akin. Kasi sabi nila mayroon daw.”
Wish lang ni Shaira Mae na sana raw makatrabaho ulit niya si Mark sa isa sa mga proyektong ibibigay sa kanya ng TV5. Ang mahalaga raw ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Mark. “Oo naman, hindi naman nawala yung friendship namin ni Mark. Pag nagkikita kami sa events nagkukuwentuhan pa rin kami… pati kami ng mga dating Artista Academy.”
Bagama’t wala pa siyang ginagawang proyekto sa kanyang mother network, nagpapasalamat lang si Shaira Mae na kinuha siya ng Sari Sari Channel ng Cignal Cable para maging bida sa isang show. Excited nga siya sa gagampanan niyang role rito. “Yung gagawin ko po sa Cignal sobrang iba siya sa lahat ng roles na ginawa ko. Kasi usually puro rom-com (romantic-comedy) yung ginagawa ko, puro pa-sweet, romance ganyan. Pero ngayon matsa-challenge ako kasi more on ano siya, thriller. May rape na mangyayari, bubugbugin ako, papatayin ako, lahat-lahat. Hanggang sa maghiganti ako, hindi nila alam na nabuhay pala ako, parang may twist na ganun. Ang title niya is The Mysterious Case Of Anna Madrigal. Sabi ang target airing daw is April 29,” kuwento ni Shaira Mae.
Samantala, maging si Mark ay inaming nami-miss na rin niya si Shaira Mae nang matanong namin. “Well, I do miss Shaira kasi we spent a lot of times together with all the projects we made. Like what I said last time, yung management they know what to do and what’s best for us. If we go separate paths, that’s for the best of us. Pero malay mo in the future, management might pair us again, di ba?” ani Mark.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    August 2021
    July 2021
    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
SocialPH​ | Copyright © 2021 | ​All Rights Reserved