Kailan lamang ay pinagusapan ang video na ipinost ni Ellen Adarna sa IG at narepost sa YouTube, kunsaan may title na “Ellen Adarna and Baste Duterte: Sabog na Sabog”. Naging usap-usapan ito dahil na rin sa kampanya laban sa iligal na droga ni Pres. Duterte, ama ni Baste. Hati ang netizens sa reaksyon nila. Ang ilan ay naniniwalang sabog nga sina Ellen at Baste sa marijuana, ang iba naman ay nagsabing baka lulong lamang sila sa alak at hindi damo ang dahilan. Sa video makikita si Baste na tila may hawak na electronic cigarette na nababalutan ng papel para magmukhang marijuana ang gamit. May nagsabi namang ang vape na hawak ni Baste ay ginamitan ng cannabis oil. Finally, ay nagbigay na ng pahayag si Ellen ukol sa nasabing video. Sinabi nitong simpleng lasing lamang sila ni Baste nang kinukunan nila ang video. Kung marijuana raw ang gamit nila, hindi naman daw siya estupida para i-upload pa ang video. Nilinaw din nito na ang gamit ni Baste ay isang smokeless electronic cigarette na galing ng Japan. |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|