LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Timmy Basil TO the highest level na ang ipinakitang akting ni Angel Aquino sa teleseryeng 'And I Love You So' na nagsimula noong Lunes. Kaiinisan mo siya pero may mga eksena naman na kaaawaan mo siya. ![]() Biktima si Angel ng drug trafficking at nakulong siya sa Sao Paulo, Brazil nang kung ilang taon at buong tapang siyang nakikipagtagisan ng lakas sa kapwa girl inmates niya sa Sao Paulo, Brazil. Hindi siya nagpatalo kahit pinagtutulung-tulungan na siya. Sa eksena kung saan nakalaya na siya't nakauwi na ng Pinas, lihim siyang tumungo sa dati nilang tahanan at pumunta sa kwarto ng kanyang anak, unnoticed. Maski si Julia ay di siya nakita. Pumasok si Tonton Gutierrez na tatay ni Julia at siya ang pinag-uusapan. Namumuhi si Julia sa kanya at dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa. Grabe ang akting doon ni Angel, pigil na pigil dahil any moment, konting kaluskos lang ay makikita siya na nakakubli lang sa likod ng aparador. Tinodo na ni Angel Aquino ang lahat ng nalalaman niya sa pag-arte. Sa tingin ko, ito na ang pinakamaganda niyang role sa telebisyon. Ito rin ang pinaka-intense. Ibang-iba ito sa dati niyang role sa teleserye. Hindi ako magtataka kung balang-araw ay makakatanggap si Angel ng acting award dahil sa todo niyang akting sa And I Love You So. Samantala, isa pang nag-level up ng akting sa teleseryeng nabanggit ay ang isa sa mga bida nitong si Julia Barretto. Ang laki ng improvement kung ikumpara sa launching teleserye niyang Mira Bella. Si Miles Ocampo naman ay nagpapakita rin ng promise sa pag-arte. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|