LIKE OUR FACEBOOK PAGE
MASAYA si Ruru Madrid ngayon dahil maipapakita niya ang versatility niya bilang actor sa role niya bilang Jojo sa mini-series na Naku, Boss Ko! Lalabas si Ruru bilang isang social media sensation dahil sa pagtulong sa isang batang nagkaroon ng sakuna. Iikot ang istorya kay Ruru bilang anak ng aspiring politician na role ng comedian na si Leo Martinez. Challenging kay Ruru ang role dahil magko-comedy siya rito. Kilala si Ruru bilang magaling na dramatic actor na hinubog ni Direk Maryo J. delos Reyes bago isinabak sa talent search ng GMA 7, ang Protégé.
Nagkasunud-sunod na ang soap opera ni Ruru sa GMA 7. Una siyang napanood sa Mariposa na pinagbibidahan ni Barbie Forteza. Nagsimula siya bilang guest role sa soap na nabanggit. Naging love interest din siya ni Barbie sa dito. Nung 2013, nabigyan ng big break si Ruru sa pelikula ni Maryo J via Bamboo Flowers. Nakapartner ni Ruru sa movie si Ash Ortega. Sa huling soap ni Ruru, nai-partner siya kay Gabbi Garcia. Kasama rin si Gabbi sa Naku, Boss Ko! bilang love interest ni Ruru. Pero, mas nakatuon ang istorya ngayon ng mini series sa pagpasok sa pulitika ng isang kabataang nasa twenties na naging sensational dahil sa pagiging popular sa social media. Ang Naku, Boss Ko! ay sinulat nina Rody Vera at Sid Dulay at idinirehe ni Marlon Rivera. Production ito ng News and Public Affairs ng GMA 7. Ipalalabas pagkatapos ng regular evening primetime soap ng GMA. Ni Noel Asinas LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|