LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Censored ang mahabang kuwentuhan namin ni Rosanna Roces tungkol sa kanyang dyowang tomboy. Mahaba haba kasing tsikahan ang nangyari sa amin kaya pati sa paraan na kanilang romansa ng bagong dyowa ay aming napag usapan. Sabi ni Osang kuntento naman daw siya at masaya kahit sabihin pang walang katawang lalaki si Blessie. Nalaman din namin mula kay Osang na sa piling umano ng dyowa niyang tomboy ay naramdaman niya ang tunay na kahulugan ng salitang ‘heaven’. “Dati ako ang nag aalaga sa mga nakakarelasyon ko. Ngayon ako ang inaalagaan,” kuwento ni Osang.
Sobra daw kung magmahal ang lesbian lover ni Osang kung kaya’t wala siyang nararamdamang pagsisisi kung bakit minahal niya ito. “Kahit nga nitong manganak si Grace sa ikatlong baby niya, hindi niya ako pinabayaan. Nasa tabi ko pa rin siya. Kaya siya talaga ang totoong ibinigay sa akin nung nasa itaas.” Hindi pa nga raw kasi isinisilang noon ni Osang si Grace (na ngayon ay nakakatatlong anak na) ay nasa tabi na niya ang tibam na girlflriend. Kaya feeling ni Osang ay ito na ang kanyang soulmate. This year na ang kasal ni Osang at isa isa na nitong kinakausap ang magiging ninong at ninang nila ng tibam na lover. Invited kaya sina Billy Crawford at Coleen Garcia na balitang gusto na ring magpakasal this year? Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|