LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Nakausap namin si Robin Padilla kamakailan at kinumpirma niyang makakapagbiyahe siya papuntang Amerika upang dalawin ang kanyang mag inang Mariel Rodriguez at baby Isabella. Ayon kay Robin, konting konting lakaran na lang daw ng kanyang papeles at maaabot na rin niya ang kanyang pangarap. “Ako naman ay hindi nawawalan ng pag asa. Konting konti na lang at ok na ang pagdalaw ko sa aking mag ina.” Samantala, inamin din ni Robin na pabor siya sa naging desisyon ng Metro Manila Film Festival. “Panahon na para bigyang pansin naman natin itong maliliit na kapitalista na gumagawa ng mga de kalidad ng pelikula. Sila ang higit na nangangailangan ng tulong mula sa ating gobyerno.”
Ang sabi ni Binoe, ang mga pelikula nina Vice Ganda, Vic Sotto at ni Mother Lily Monteverde ay may mga supporters na. “Kikita at kikita ang mga pelikula nila dahil may mga followers na, samantalang ang mga kalahok ngayon sa Metro Manila Film Festival, kayod manok talaga. Sariling sikap.” Ayon kay Binoe, napapanahon nang bigyang pansin at suporta ng pamahalaan at ng mamamayan ang mga pelikula hindi mula sa naglalakihang produksiyon. “Sangayon ako sa ginawa ng bagong pamunuan ng Metro Manila Film Festival. Suporta ako sa kanila.” Sa kabilang banda, napag usapan din namin ni Robin ang tungkol sa pagiging legal ng babae ng kanyang kapatid na si Rustom Padilla na ngayon ay si Bb Gandang Hari na. “Kung dun siya magiging masaya, sino ba ako para tumutol sa kanyang kaligayahan, di ba?” Sinabi din ni Binoe na may constant communication sila ni BB at minsan nga daw ay nagbiro ito sa kanya. “Sabi niya sa akin, kung ako daw ay action star, siya daw ang magiging kauna unahang transgender na action star. Sabi ko, puwede dahil napaka fit ng katawan niya ngayon. Bukod na sa nagba-ballet siya ay tuloy tuloy ang kanyang pag gi-gym kaya tignan mo naman ang katawan niya, maganda, di ba?” Sa kabuuan ay sabi ni Binoe na malaki ang kanyang paniniwala na bago dumating ang araw ng Kapaskuhan ay makakasama na niya ang mag ina niyang Isabella at Mariel Rodriguez. Tsuk! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|