LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil ![]() ITS nice to know nasa ilang taong pamamalagi ng aktor na si Richard Gomez sa Ormoc City kung saan siya ang kasalukuyang mayor sa nabanggit na lugar ay kaagad niyang natutunan ang salitang Bisaya , at hindi lang basta natuto, naging bihasa, kuhang-kuha na ni Goma ang tamang diction at tamang intonation ng salitang Bisaya. At sa tuwing may free time si Goma, nagbo-vlog siya at ipinapakita niya ang kanyang simpleng buhay doon. Sa kanyang bahay, may mga alaga siyang native chicken at kapag wala siyang ulam ay pupunta lang siya sa mga pugad at kukuha ng organic egg para lutuin. Labis akong humahanga kay Richard dahil unang-una, di ko akalain na iiwanan niya ang kanyang marangyang buhay sa showbiz para maging public servant sa bayan ng kanyang magandang esposa na si Cong. Lucy Torres Gomez . Di ko inakala na ipagpalit ni Goma ang ningning ng mundong kanyang ginalawan sa loob ng ilang dekada para lang ilaan ang kanyang oras at serbisyo para sa mga taga-Ormoc Kung tutuusin, bago siya naging alkalde ng Ormoc ay hindi naman nawala si Richard sa sirkulasyon pero masasabing ito talaga ang kanyang calling. Dahil kay Goma, lalong nakikilala ang Ormoc. Eh dating hunk at sikat na actor ba naman ang namumuno sa naturang lugar eh di sikat din ang naturang lugar pati ang mamamayan? Anyway, more raw and simple vlogs Mayor RIchard Gomez, nakaka-proud na maringgan ka na nagsasalita in full Bisaya. Please update as more sa mga "kalambuan" (development) diyan sa Ormoc City. Mabuhay ka! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|