LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Wala nang makakahadlang pa, tuloy na tuloy na ang programang gagawin ni Kris Aquino sa GMA. Inabot nang kung anu-anong intriga ang paglipat ni Kris sa APT Entertainment na kung saan ay nagsanga nang nagsanga ang mga issue hanggang sa humantong pa na diumano ay hinaharang ng isang maimpluwensiyang tao si Kris, dahilan kung bakit hindi matuloy ang programa ni Kris sa APT na ipapalabas sa GMA. Pero, ayon sa aming source, next week ay nakatakda na raw mag taping si Kris ng bagong programa na kung saan ay plantsado na raw ang tema ng magiging show nito na kaibang kaiba sa mga nagawa na niyang programa sa Dos.
Samantala, deadma na si Kris at ayaw na nitong pag usapan pa ang tungkol sa pang de-deadma sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na maisnab ang pinaghandaan nitong one on one interview. Ayon sa kampo ni Kris, hindi na raw kailangan pang pag usapan kung inisnab o hindi si Kris, ang importante ay nagbigay na raw ng opisyal na pahayag ang Malacanang kung bakit hindi nakarating si Duterte sa nasabing interview. Sinumpong si Pangulong Duterte ng migraine. Period! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|