LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Dapat sana ay by November pa matatapos ang TV program na Panday ni Richard Gutierrez sa TV 5 pero sa kung anong dahilan ay bigla itong mawawala sa ere at posibleng hanggang sa May na lang daw ito magtatagal sa ere. Ang isa sa tinuturong dahilan ay dahil bukod sa walang pumapasok na commercial sa nasabing programa ay wala rin daw itong nakukuha sa rating. Single digit lang at madalas ay negative pa. Kung tutuusin ay hindi kasalanan ni Richard kung maagang mawawala sa ere ang Panday dahil bukod sa pinagbubuti ng aktor ang kanyang trabaho ay lagi pa raw on time ang binata sa location shoot.
"May malaking problema talaga sa channel 5. Yung station mismo ang problema at hindi ang kanilang show at mga artista," ayon sa aming source na taga-Singko. Magaganda naman daw sana ang inihahain na produkto ng nasabing kumpanya pero sa anong dahilan ay hindi raw tinatangkilik ng mga manonood ang nasabing mga show. "Ginagastusan talaga ang mga show. Maganda at magagaling ang mga artista pero kahit anong gawin ng Singko still wala silang makuhang viewership." Tanong: bakit nga ba hindi makabangon ang TV 5? Ito ba ay dahil karamihan sa mga nakuha nilang empleyado noon ay mula sa mga itinapon ng Dos at GMA na karamihan ay corrupt? Kami po ay nagtatanong lang. Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|