Ni Favatinni San MASAYA ang lahat sa pag-iisang dibdib nina Vic Sotto at Pauleen Luna. May hirit naman sila kung kailan magbubuntis si Poleng. Nasabi ni Bossing Vic, handang handa na siyang magkaroon ng anak sa asawa niyang si Pauleen Luna. E, sagot naman ni Poleng, handa na siyang mag-alaga kung mabibiyayaan sila ng anak ni Bossing. Ayon pa sa new bride, "Sobrang hilig niya sa kids and babies, so when that day comes, I will definitely give my 100 percent to the baby and to Vic.” Makalipas ang isang buwan matapos silang ikasal, sinabi nina Vic at Pauleen na doble ang saya na nararamdaman nila. Aminado naman na di mahusay magluto si Poleng pero sagot ni Vic ay hindi naman siya naghahanap ng mapapangasawang magaling sa pagluluto at para sa kanya, "The way to a man's heart is the heart talaga.” Well, regular host ng Eat Bulaga si Poleng at pagkatapos ng EB, sa bahay na siya at inaasikaso niya si Vic. Naku, speaking of EB, ang gandang panoorin ng Just Duet, biggest break para sa mga aspiring singers na maka-duet ang kanilang fave singers. Inaabangan ang grand finals nito, at stake ang cash money na iuuwi ng mananalo at for sure, papasikatin 'yan ng TAPE Inc. Look at Aiza, Wally, Paolo, Jose, Ryzza Mae, Maine at mga guwapong Baes.
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|