LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla Hindi pa man naipapalabas ang unang pelikulang Prinudyus ng baguhang producer na si Kuya Bong Diacosta under Blankpages Productions na “ Nang Dumating si Joey “ na mula sa mahusay na direction ni Arlyn Dela Cruz ay may kasunod na kaagad itong pelikula na gagawin ngayong disyembre na si Direk Arlyn pa rin ang magiging direktor nito. Kuwento nga ni Kuya Bong nung bata pa siya ay mahilig na siyang manood ng pelikula, at minsan daw ay naiisip niya na parte siya ng pelikulang kanyang pinapanood. Kaya naman ng magkaroon ito ng pagkakataong magprudyus ng pelikula ay kinausap niya ang matagal na niya kaibigan na si Direk Arlyn na tulungan siya at dito na nga nila ginawa ang pelikulang “ Nang Dumating si Joey “ na pinagbibidahan ng mahusay na aktor na si Allan Paule at Francis Grey na isang Mr Pogi Finalist. Kasama din sa nasabing pelikula sina Ernie Garcia, Isadora at Rash Jusen . Ang Nang Dumating si Joey ay isang LGBTQ Film, pero kakaiba daw ito sa iba dahil wala itong bed scene o halikan na karaniwan sa mga LGBTQ na pelikula. Pero may eksena daw dito si Francis na gumaganap bilang si Joey na ikakagulat ng mga manonood ng kanilang pelikula.
At sa hanay nga ng mga local artist natin sa Bansa ay ang nag iisang Superstar na si Nora Aunor ang pangarap ni Kuya Bong na gawan ng pelikula dahil paborito nila ito ng kanyang mga kapatid si Ate Guy. Bilib daw si Kuya Bong sa husay umarte ni ate Guy na kahi’t anong role daw ang ibigay dito ay nagagampanan nito ng buong husay. Sana nga daw ay matupad ang kanyang pangarap. Samantala ang pelikulang “ Nang Dumating si Joey “ ay available for streaming sa August 13-15, 2021 sa ktx.ph. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|