Ni Morly Alinio Kahit mainit ang panahon ay isa kami sa tumutok sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars na kung saan ay umikot ito mula sa Manila City Hall patungong Avenida hanggang sa Quiapo. Hindi ganun katindi ang pagtanggap ng mga tao sa mga karosang ang lulan ay mga artista ng kani-kanilang pelikula unlike before na talagang nagtutulakan at nagbabalyahan ang mga tao. At sa aming paglalakad ay maladas na naririnig namin ang ganitong mga katanungan: “Sino yan?”, “Sino siya?” At kasunod ang mga nakakairitang halakhakan na kung ang mga artista mismong involved ang nakarinig ay baka nasampal ang mga ito nang wala sa oras dahil sa panlilibak ng mga taong nasa gilid ng mga lugar na dinaanan ng parade. Maliit at hindi akmang pagdausan ng MMFF ang Plaza Miranda na nasa harapan ng Quiapo Church dahil sa itinayo pa lang na stage ay kulang na ang espasyo kaya nang magdagsaan ang mga tao ay animo’y mga pinitpit na sardinas.
Sa kabuuan ay maganda at masaya din naman ang parade ng mga artista na kalahok sa MMFF pero hindi tulad sa dati na bukod sa naglalakihan na ang mga artista ay bonggang bongga pa talaga ang mga karosa. Pero teka nga pala, way back 80’s at 90’s, kapag dumalo si Nora Aunor sa anumang pagtitipon kahit mag isa lang siya ay agad na sinasabing successful pero bakit ngayon ay tila hindi na? Tsk…tsk…tsk…! |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|