LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas KAHIT sa abroad ay kilala na si Miggs Cuaderno bilang magaling na child actor. Recently lang ay personal na sinadya ng isang indie produ-writer-director na si Ethan Page mula sa New York City ang manager ni Miggs na si Direk Maryo J. delos Reyes para kausapin sa posibleng pagganap ni Miggs sa isang role sa pelikulang Black Superman. Ayon sa source, maraming nagpa-audition sa special na role na batang lalaki, pero wala raw napipisil ang director sa mga nag-audition. Kaya pilit na nakikipag-appointment ang director kay Miggs.
Buti nung araw ng appointment ni Miggs sa produ-director, walang taping ang Poor Senorita, bagong teleseryeng aabangan sa GMA 7 top-billed by Regine Velasquez-Alcasid. Puspusan na kasi ang taping ng Poor Senorita ngayon, may playdate na ito sa evening primetime ng GMA 7 sa March 28, bilang kapalit ng Little Nanay. Ang love interest ni Regine sa soap ay si Mikael Daez, na syota naman ni Maegan Young hanggang ngayon. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|