LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San NABISTO ang pagpunta ng isang female celebrity sa bahay ng isang dating aktor na ngayon ay pulitiko na. Kung nuon ay nakalusot ang sagot na, "nagkita lang sila sa isang resort and casino," e, this time hindi pwedeng magkaila. Bagay naman sila, galing sa iba't ibang relasyon at malay natin sila na ang forever na magsama, no! Huling huli ang pagdalaw ni female celeb sa balaysung ni lalaki. Kung tutuusin, marami siyang relasyon kaya naman ang husay niyang umarte. And take, itinuring siyang hot mama. Kahit sabihing may apo na sa kanyang tunay na anak e, may asim pa rin as in pwede pa ang beauty niya, no! Si aktor/pulitiko ay gwapo naman at malakas ang appeal sa mga artistang babae na may edad sa kanya. Ewan ko, feel niya yata talaga ang mother image (este older sis ...ha! ha! ha!). Naku, ang sweet, sweet nila pero kailan naman sila lalantad? Sa ngayon naman tanggap naman ang May-December love affair. Sa mundo ng syobis marami ang nangyayari na mabibigla ka na lang. Huwag naman sana maging mapakla ang relasyon nila. Kasi, si gwaping na aktor ay mabilis magsawa, iniiwan na lang ang mga babaing minahal.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|