LIKE OUR FACEBOOK PAGE
INAABANGAN pa rin ng mga tagasubaybay at fans ni Mark Neumann kung tuluy-tuloy na siyang mapipili bilang Matteo Do, na leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy adaptation ng Lover From The Stars, ang hit Korean soap na umani ng tagumpay worldwide. Hanggang ngayon ay nananatiling Kapatid actor si Mark at very faithful siya sa network ng businessman na si Manny V. Pangilinan, ang TV 5. Alagang-alaga siya ng network. Pero, kung tuluy-tuloy ang negotiation at maganda sa dalawang panig, maaaring matuloy si Mark. So far, balitang si Mark ang isa sa top contender sa role bilang male lead star. Bata, matalino at seryoso na ma-i-in love si Jennylyn sa kanya. Di tumatanda si Matteo sa role niya dahil galing siya sa ibang planeta.
Pinag-uusapang bagay na bagay kay Mark ang role, kaya marami ang nag-aabang sa project na ito. Sana’y matuloy na. Ni Noel Asinas LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|