By Glen Sibonga Hindi raw nag-aalala ang TV5 Talent Center artist na si Mark Neumann sa mga nangyayaring pagbabago ngayon sa kanyang home network, ang TV5, lalo na’t ang Viva Productions na ang magha-handle ng entertainment department ng Kapatid network. ![]() “Well, as early as possible sinabihan kami ng isang taga Talent Center na si Sir Bebong (Munoz). Sinabihan kami na kahit mawawala yung entertainment (department of TV5), wala naman masyadong magbabago. Siguro sa technical side, pero when it comes to us (the artists), it will still be the same, magte-taping kami, and even dadagdagan pa (ng work),” sabi ni Mark. Napanatag nga raw ang loob niya nang bigyan sila ng assurance ni Bebong. “Yes, parang it is to ensure us na hindi naman kami pababayaan.” Positibo rin ang pananaw ni Mark sa pagsasanib-puwersa ng TV5 at Viva. “Actually, parang mas magiging malawak yung playground namin na yung TV5 and Viva are working together. Yung playground namin bilang actors, yung mga talents ng TV5 mas naging malawak yung playground namin. So, hindi lang teleserye or TV shows, some will work sa movies and stuff like that, which is good. I’m happy for everyone.” Kasama si Mark sa Kapatid artists na hawak ng TV5 Talent Center na nakipag-usap sa mismong pinuno ng Viva na si Vic del Rosario noong Oktubre 15. Um-attend din sa naturang meeting sina Eula Caballero, Shaira Mae, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Alberto Bruno, Chris Leonardo, Malak So, at Nicole Estrada. Ano ang sinabi ni Boss Vic sa kanila? “Nung nag-meeting po kami, sabi ni Boss Vic, ‘Welcome to Viva, Kapatid!’ Tapos sabi niya, ngayong nagwo-work together ang TV5 at Viva, mas malaki na yung pwedeng playground para sa aming talents and we will be working together, bale projects ng Viva and TV5.” Sa kabila nang ganitong kaganapan sa TV5, natutuwa si Mark na pagkatapos ng pinagbidahan niyang teleseryeng Baker King ay nabigyan kaagad siya ng mga kasunod na proyekto. Una na nga riyan ang mapabilang siya sa cast ng #ParangNormal Activity. Kasama niya rito sina Ella Cruz, Ryle Santiago, Andre Garcia, Shaun Salvador, Taki, at Kiray Celis. Bukod dito may dalawa pang projects na ginawa si Mark. Magkasama sila ni Eula Caballero sa Wattpad Presents Wrong Number. Si Monica Cuenco naman ang kapareha niya sa TV5 telesine na My Only Love. |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|