LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas MASAYA naming nakausap si Marian Rivera sa set ng Dear Uge, kung saan special guests sila ng kanyang best friend na si Boobay sa special first anniversary presentation ng nasabing programa. Yes, naka-isang taon na ang popular show ni Eugene Domingo na napapanood tuwing Sunday afternoon sa GMA 7. Sa interview namin kay Marian, nasabi ng Primetime Queen na babalikan na niya ang soap opera. Magsisimula na siyang magtaping next month at malamang ipalabas ito ng Mayo. Di sure ang playdate ng programa pero ang sure ay pambata ang soap na ito. Masaya si Marian sa ganitong soap dahil pwede itong mapanood ng kanyang unica hija, si Baby Zia. Habang lumalaki si Baby Zia, nagiging kamukha ito ng ina. Pero, sabi ni Marian, nakuha ng bata ang mata ng kanyang ama. Ang kilos at pag-uugali raw ay sa kanya naman. Kaya tuwang-tuwa si Marian sa first born nila ni Dingdong.
Magiging dalawa na ang show ni Marian sa GMA 7, ang Sunday Pinasaya at ang soap na wala pang title hanggang ngayon. Hiling lang ng actress, gusto niyang sa malalapit na set lang siya dalhin ng network para mag-taping. Gusto niyang laging kapiling ang kanyang anak pagdating ng gabi. Kasama nila ni Dingdong sa pagtulog si Baby Zia. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|