LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Lovechild daw niya ang kapatid na si Miguel…. KC CONCEPCION, BINUWELTAHAN ANG ISANG BASHER!3/5/2016 Ni Mylene Santos Isa si KC Concepcion sa mga artistang ilang beses nang napabalitang kundi nagpa-terminate ng pregnancy ay nanganak nang lihim. Matatandaang dati ay ang kapatid na si Miel, anak ni Megastar Sharon Cuneta at Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, ang pilit na sinasabing tunay na anak ni KC. Parang malabo naman kasi hindi nalalayo sa features ng mga Pangilinan ang beauty ni Miel. ![]() Pero ayaw paawat ng mga balita. Noong mga panahong nasa Europe si KC para mag aral ay sinabi namang nagpalaglag ang dalaga. Nitong huli nga, di na nagpaawat si KC sa pagsagot sa isang basher na nag komento sa litratong ipinost ni KC sa Instagram noong February 25 kung saan makikita siya with adopted brother Miguel. Sa comment ng basher na may handle name na @akosimateo, sinabi nitong, “Anak daw ni KC yan.” Sa komentong ito hindi nag hesitate si KC na balikan ang basher at sabihing, “Wow lang teh. Wow lang talaga. Be careful what rumors you spread, it might happen to you…you’re not spared.” Nabuhay na naman nga ang isyung ito. Dati ay may ispekulasyon pa na nag-i-involve sa isang lalaki na member ng isang kilalang local band na siya diumano ang ama ng ipinagbuntis ni KC. In fairness naman kay KC, isa siya sa mga personalidad na nakitaan nating hindi nagdamot ng oras at financial resources para sa mga worthy causes. Maging mga international organizations ay si KC ang kinukuha para sa pagpapalawak ng kanilang programa bilang ambassador. Parang kung may ganoong personalidad si KC ay illogical naman para gawin niya sa personal niyang buhay ang pagpapa-abort o pagsisilang ng sanggol na hindi niya kikilalanin bilang tunay na anak. Maaring kayang ipagtanggol ni KC ang kanyang sarili pero nakakaawa naman at unfair sa mga batang idinadawit sa isyung ito. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|