LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Kumpirmadong magtutungo muna sa Amerika si Kris Aquino ng kung ilang linggo at dun ay magpapahinga pero sa kanyang pagbabalik ay tatlong programa sa Siyete ang agad niyang gagawin, kabilang dito ang isang morning show na bale kapalit sa nawalang programa ni Marian Rivera, isang game show at ang isa ay pag iisipan pa na possible umanong teledrama. Base sa nakarating sa aming tsika, ibinigay daw ng GMA ang hiling ni Kris na guaranteed contract na hindi ibinigay sa kanya ng Dos. “Feeling kasi ng Dos laos na si Kris at hindi na puwede yung dati nitong demands na guaranteed contract,” ayon sa aming source. Iba na raw kasi ang sitwasyon ngayon, mas maraming bata at sikat na artista ang Dos at hindi na nila masyadong kailangan si Kris.
Samantala, tuloy na ang gagawing paglipat ng bahay ni Kris. Mula sa Green Meadows ay lilipat ito sa isang condo sa Quezon City na pag aari naman ng isang big boss ng ABS CBN. Pero this time, matalino na ang aktres. Dati kasi sa tuwing lilipat ito ng bahay ang lahat ng kanyang gamit ay ipinamimigay sa mga kaibigan. “Bongga talaga si Kris noon kasi wala siyang dinadalang gamit sa bahay na uupahan niya, lahat ipinamimigay niya pero this time ibinenta niyang lahat. Parang package deal ang ginawa niya.” Ayon sa aming source, hindi pa raw handa si Kris sa paglipat dahil hindi pa tapos ang pinagagawa nitong bagong bahay kaya pansamantalang nangungupahan sa isang condo ng taga-Dos pero ayaw daw sumira ng aktres sa napagkasunduan nila ng taong bumili ng kanyang bahay kaya napilitan itong maglipat. “May isang salita kasi si Kris, kapag sinabi niya, ginagawa niya. At dito sa ginawa niyang paglipat pinanindigan lang niya ang kanyang sinabi noon kaya kahit ayaw niya, hayan pumirma na siya ng kontrata sa APT Entertainment.” Deadma naman si Kris sa pagkakaroon ng bagong anak ng dating lalaking mahal. “Nakakapanghinayang kasi bagay (sila) at mabait si James, ito ang pinakasayang sa lahat ng mga lalaking dumating sa kanyang buhay,” sabi ng isang taong malapit sa dalaga. Kung hindi lang daw mataas ng pride ni Kris, dapat daw sana ay masaya na ito ngayon sa piling ni James. “Hindi na sila puwedeng magkabalikan ni James dahil sobrang saya na ni James kay Michela at sa firstborn nilang anak na si baby Michael James Yap. Tsk…tsk…tsk… Kelan kaya matatagpuan ni Kris ang tapat na lalaking magmamahal sa kanya? “Magbago muna siya ng ugali para maging masaya siya,” pahalakhak pang sabi ng aming friend na kilalang manager sa showbiz. Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|