LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Lourdes Fabian HINDI man niya diretsang inamin ay happy ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil effective ang ginawa niyang pangungunsensiya sa kanyang Instagram account sa ex-husband na si James Yap. Nagpahatid ng sentimyento ang presidential sister sa dating mister sa pag-aakalang walang halaga ang anak nilang si Bimby, na ngayon ay walong taong gulang na. Na-realize raw niya na mahirap talaga ang maging "mag-ex" ngunit para kay Bimby ay dapat isantabi ang kani-kanilang pagkakaiba para magkaroon ng respeto sa isa't isa.
Masaya si James na nakasama muli si Bimby sa 1st Holy Communion nito at hindi kailanman maaalis nino man ang pagmamahal niya sa anak. Nilinaw ni Kris na gusto lang niyang matauhan si James na marami nang nakakaligtaang responsibilidad bilang ama habang lumalaki si Bimby. Kung titingnan ang katatapos lang na 1st Communion ni Bimby ay makikitang all smiles ang lahat at di mo aakalaing nagkaroon ng misunderstanding ang ex-couple. Pero mukhang naiba na naman ang timpla ng TV host-actress dahil halos kalahati ng kaniyang posts sa kanyang IG account ay tinanggal niya. Ayon kay Kris, na-realize niyang insecure siya, kulang sa pansin, makasarili at bitter sa loob ng apat na taon. Ang tanging itinira lang daw ng presidential sister sa kaniyang Instagram ay mga posts niya kasama ang mga kaibigan at pamilya at mga alaalang kaniyang maipagmamalaki. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|