LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Malandi. Makati. Walang isang salita. At kung anu ano pa. Yan ang mga mensahe ng mga bashers kay Kim Chiu matapos na pumutok ang balitang muling magtatambal sa isang teleserye ang aktres at ang dati nitong boyfriend na si Gerald Anderson. “Nasasaktan ako siyempre pero honestly wala pong ganun. Hindi po totoong may gagawin kaming teleserye ni Gerald,” panimulang paliwanag ni Kim na obvious na nasasaktan dahil karamihan sa mga nambabato ngayon sa kanya ng masasakit na salita ay mula sa dati niyang mga fans. Bagama’t sinasabi ni Kim na masaya na ang kanilang relasyon ni Xian Lim at kuntento na ito sa kung anumang meron sila ay marami pa rin ang diskuntento sa sagot ng dalaga sa tuwing ito ay kakausapin ng movie press dahil umuugong pa rin ang balita na kahit meron ng special affair sina Kim at Xian ay nananatiling si Gerald ang mahal ng dalaga.
Ayon kay Kim, hindi na niya kailangang magbigay pa ng paliwanag hinggil sa mga haka-haka ng mga tao sa kanyang nararamdaman dahil siya ang may katawan kung kaya’t alam niya kung ano ang katotohanan – past is past na raw. Samantala, dahil absent si Anne Curtis sa Showtime ay kinakakitaan ngayon si Kim ng kakaibang talent sa pagpapatawa at pagho-host dahil kahit sabihin pang aanga-anga siya sa mga eksena sa pinaggagawa niya sa noontime show na mahigpit na kalaban ng Eat Bulaga ay naipamalas ni Kim na hindi lang siya magaling na dramatic actress kundi kaya din niyang maging komedyante. “Naku po, pasensiya na po kayo kung aanga-anga ako. Hindi ko naman po sinasadya o ina-acting yun. Ganun po talaga ako sa tunay na buhay.” Sa pagiging host kasi ngayon ni Kim ay lalo siyang napamahal sa puso ng higit na nakararami dahil bukod sa mabait ang dalaga ay down to earth pa rin pala ang ugali niya na kung saan ay hindi napipikon sa mga nakakabuwisit na pang-bebengga sa kanya nina Vhong Navarro, Billy Crawford at ng marami pang iba. Huh! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|