LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Morly Alinio Bata pa lang pala si KC ay pangarap na nitong maging Darna lalo pa noong mga panahong nag-Darna ang kanyang ina na si Sharon Cuneta. ![]() Sa lahat ng mga naging Darna ang paborito pala niya ay si Vilma Santos dahil napanood nito ang mga lumang pelikula ng Star For All Season. Kung sabagay malamang na mapunta kay KC ang new version ng Darna na niluluto ng ABS-CBN dahil si Angel Locsin na mismo ang nagsabing imposibleng magawa pa niya ang Darna dahil sa kalagayan niya ngayon. Ayon sa tsika, simula nang gawin ni Angel ang "Mulawin" sa GMA 7 noon hanggang sa Darna role niya ay laging naka-harness ang actress na siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng problemang pakalusugan ang dalaga particular na sa kanyang mga buto sa likuran. Madalas daw na iniinda ni Angel ang pananakit ng kanyang likod kung kaya't hindi na nito magagawa pa kung sakali ang Darna na matagal nang balak isakatuparan ng Dos para sa kasintahan ni Luis Manzano. At dahil hindi na nga pwede si Angel ay sinasabing malamang ay si KC na ang pag-Darnahin tutal ay maganda at karapat-dapat naman si KC dahil taglay nito ang ganda ng isang Darna na meron din si Ate Vi. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|