Ni Veronica Samio Wala na ba talagang intensyon si Kaye Abad na ipagpatuloy ang pagaartista niya? Sinabi niya na pagkatapos ng kasal nila ni Paul Jake Castillo ay sa Cebu na sila mamamalagi. Nasa Cebu ang pamilya ng PBB alumnus at ang mga negosyo nila. Masyadong malayo si Kaye at mahihirapang bumalik ng Maynila kapag gusto siyang i-cast sa anumang proyekto sa TV na pang-matagalan. Di bale sana kung pelikula lang, madali niya itong matatapos. Mag-a-anak din sila agad ni Jake kaya baka matagalan pa ang pamamahinga at pagkawala niya. Sayang dahil magaling siyang artista pero, ito siguro ang kailangan niyang isakrpisyo kung gusto niyang magkaro'n ng successful marriage.
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|