LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Lourdes Fabian AMINADO ang tinaguriang "Queen of All Media" na si Kris Aquino na nalulungkot siya matapos tuluyang lisanin ang mundo ng showbiz at ang kanyang morning show na Kris Tv. “At least ina-acknowledge ko sa inyong lahat na kung kayo po ay nalulungkot, lungkot na lungkot din po ako,” pag-amin ni Kris. Mag e-expire na ang contract ni Kris sa ABS-CBN on March 23.
Nakakaramdam na raw siya ng separation anxiety matapos magpaalam sa Dos para matutukan ang kanyang kalusugan pati na rin ang mga anak. Habang nagpapagaling ang aktres ay nakaplano na raw ang at least three trips with her sons Joshua and Bimby. Birthday gift niya ang isa sa kanilang mga bakasyon kay Josh na magsi-celebrate ng kanyang 21st birthday on June 4. Kamakailan lang ay pumirma ng exclusive contract si Karla Estrada sa ABS-CBN kaya tuloy umugong ang usap-usapang siya raw ang papalit sa morning slot na maiiwanan ni Kris. Hindi maiwasang mag-isip ng ilan na posibleng maging morning talk show host si Karla dahil sa madalas na pagge-guest nito sa programa ni Kris na Kris TV. “Hindi ko kayang palitan, nag-iisa lang si Kris Aquino. Hindi ako narito para palitan ang isang show, wala akong ganun. Tapusin na natin yung kay Mareng Kris kasi talagang nakakatawa, nakakahiya sa kanya. Ang layu-layo ko, napakatalino ng babaeng 'yon," mabilis na paglilinaw ng ina ni Daniel Padilla. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|