LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Morly Alinio Hindi naman kami galit kay Alden Richards o kay Maine Mendoza pero sa totoo lang hindi kami natutuwa sa inaasal ng karamihang fans nila na para bang kakarampot lang ang utak pagdating sa pag iidolo. Parang sarado ang kanilang kaisipan sa salitang constructive criticism na para bang kapag nagsalita ka ng hindi pabor sa kanilang idolo ay agad silang nagre-react at nagagalit. Maraming writers at mga kaibigan sa showbiz ang hindi natutuwa kapag nagtataray na ang mga fans nina Alden at Maine na para bang ang kanilang idolo lang ang pinag uusapan at sikat sa showbiz world.
Hindi naman sa pagtataray, oo noon ay talagang isa kami sa kinikilig sa tambalang Alden at Maine pero aminin man natin o hindi ay nakakasawa na ang mga kaeklayan ng dalawa na kung wala sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo ay laylay na noon pa man ang show. Kung sina Alden at Maine lang ang nasa show, hindi ito mabibigyan ng pansin ng mga tao. Nagkataon lang na click sina Wally, Jose at Paolo sa kanilang mga gay roles sa nasabing show kaya naging interesado ang maraming tao. Pansinin natin, marami na rin ang napapataas ang kilay kapag nagsasalita si Maine na ibang iba sa paraan ng pagsasalita ni Alden. I mean, kahit sabihin pang anak mayaman siya ay barubal siyang magbago ng dayalog sa Eat Bulaga na ewan ko ba kung bakit marami ang natutuwa. Last week ko lang ulit napanood ang Eat Bulaga pero sa totoo lang, wala na ang dating 'IT' na nakita ko sa tambalan nina Alden at Maine. Nawala na ang magic. Yan ay sa totoo lang. huh! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|