LIKE OUR FACEBOOK PAGE
NAKAKAGULAT naman dahil tinanggihan pala ni Jericho Rosales ang titulong "Asian Drama King". Kilala kasi si Jericho hindi lang sa Asya kundi pati sa ibang mga bansa outside Asia kungsaan pinalabas ang kanyang teleseryeng "Pangako Sa 'Yo", yung unang "Pangako Sa 'Yo" kung saan katambal niya si Kristine Hermosa. Patunay na sikat si Jericho kahit saan mang lupalop, siya mismo ay nagkuwento nang magpunta siya sa isang bansa ng Africa, sa airport ay may isang Igoy na sunud nang sunud sa kanya at may binibigkas na pangalan, kalaunan naintindihan ni Echo na "Angelo..Angelo" pala ang inuusal nito, na character niya sa "Pangako Sa Iyo”. Sayang pero hayaan na lang natin, desisyon ng may katawan yan.
Ganunpaman, patuloy na gumagawa ng magagandang teleserye si Jericho at sa darating na September 19 ay mag uumpisa na ang kanyang bagong teleserye na pinamagatang "Magpahanggang Wakas" opposite Arci Munoz. Tungkol ito sa isang wagas na pag-ibig. Hahamunin ang lahat para lang maipaglaban sa bandang huli ang pagmamahalan. Kasama rin dito sina John Estrada, Marco Gumabao, Liza Lorena, Gelli de Belen, Lito Pimentel, Rita Avila at marami pang iba sa direksiyon ni FM Reyes. Samantala, naalala ko nung victory presscon ng teleseryeng "Pasion de Amor", panay puri si Jake Cuenca sa leading lady niya sa nasabing teleserye na si Arci Munoz at ang natatandaan ko pang sinabi ni Jake, si Arci daw ang kanyang best leading lady of all time. Ang bigat nun! Tulad ni Jake, wala ring ibang bukambibig si Jericho Rosales kundi ang paghanga sa kanyang leading lady na si Arci at isa raw ito sa paborito niyang naging leading lady. So, dalawang award-winning actors na ang bumilib kay Arci. Kunsabagay, paano namang hindi bibilib sa kanya ang mga leading men niya eh napaka-simple ni Arci. Hindi siya pa-star, cowboy siya kaya yun ang ikinagusto sa kanya ng kanyang mga naging leading men at natitiyak kong gustong-gusto rin siya ng staff dahil nga ayaw ng staff ng artista na masyadong nagpapa-importante at nagpapa-feeling star talaga. Kalog din si Arci, hindi pikon at kapag nagbibiruan ay nakikipagbiruan din siya, marunong makisama hindi lang sa kapwa artista niya kundi maging sa pinakamaliit na tao sa set kaya katutuwaan nga siya. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|