LIKE OUR FACEBOOK PAGE
NAPAKASUWERTE ng young actress na si Janella Salvador dahil kahit maituturing pa rin siyang baguhan sa showbiz ay marami na siyang achievements at may mga awards na rin siyang natatanggap. Ang PMPC Star Awards for Television ang unang kumilala sa angking galing ni Janella Salvador for her portrayal sa Be Careful With My Heart two years ago. Siya ang nanalo sa kategoryang Best New Female TV Personality. At noong isang linggo ay ginawaran na naman si Janella ng karangalan sa PMPC Star Awards for Movies, a Best Supporting Actress trophy para sa pelikulang Haunted Mansion. Sa naturan ding pelikula, nanalo ng Best New Movie Actor si Marlo Mortel na nakasama niya sa Be Careful ...at nakasama rin sa Haunted Mansion.
Nasa backstage ako ng Newport Performing Arts Theater kasama ang Hashtags kungsaan nominado rin sa kategoryang Best New Movie Actor si Jon Lucas, na miyembro ng Hashtags, para sa pelikulang "Saranghaeo". Tanggap ni Jon ang kanyang pagkatalo at sinabi ko rin naman sa kanya na mukhang malakas nga si Marlo. Definitely, hindi jinx ang award kay Janella dahil mula nang tumanggap siya ng awards ay dire-diretso ang pagpaimbulog ng kanyang showbiz career. Nagkaroon pa siya ng sariling teleserye sa Dos noon, ang OMG at ngayon, may teleserye na naman si Janella sa ABS-CBN, ang "Born For You" katambal ang bagong lipat sa ABS-CBN na si Elmo Magalona. Ngayon pa lang, nakikinikinita ko na ang chemistry nina Janella at Elmo. Baka tuluyan na nga silang pag-lovetemin. Ang suwerte ni Janella, baguhan pa lang pero ang dami ng achievements sa pag-arte. Of course, ang unang natutuwa sa mga pagkilalang natatanggap ni Janella ay ang kanyang singer na ina na si Jenine Desiderio. Ni Timmy Basil LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|