Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


JADINE, SA GREECE NAG-CELEBRATE NG MONTHSARY

9/14/2016

Comments

 
​Habang tumatagal ay mas lalo raw minamahal ni James Reid ang girlfriend niyang si Nadine Lustre. Nakatutulong din daw sa kanilang relasyon ang romantic scenes nila sa kanilang pinagbibidahang ABS-CBN primetime teleseryeng Till I Met You, lalo na nga’t sa romantikong mga lugar pa sa Greece kinunan ang ilan sa kanilang mga eksena.
Kaya ba realistic ang mga eksena nila? “It is!” diin pa ng aktor.
Picture
Pero dati pa naman daw matatag ang relationship nila. Ayon nga kay Nadine, “At saka ang tagal na nga rin po kasi naming magkakilala, so parang naging intimate na lang noong nag-aminan. Pero even before naman talaga nae-enjoy na po namin yung company ng isa’t isa.”
Pero may mga bagong nadidiskubre pa ba si Nadine kay James? “Parang wala naman… kasi matagal na po kasi kaming magkakilala. At saka everyday magkasama po kami halos, so wala po talagang… parang lahat po alam ko na.”
Paano na lang niya ide-describe ang relationship nila? “Para po kaming bestfriends na lahat ano… at saka hindi… paano ko ba ie-explain?”
Dahil ba nagsimula sila sa pagiging magkaibigan? “Oo, sa pagiging friends po kasi, doon kami nagsimula.”
Kaya raw nagtuloy-tuloy pa rin kung anuman ang pagtrato nila sa isa’t isa noong nagsimula silang maging magkaibigan hanggang ngayong magkarelasyon na sila.
Kasabay ng pagte-taping nila sa Greece ay nag-celebrate din sina James at Nadine ng kanilang sixth monthsary. Paano sila nag-celebrate? “Actually, we were working then in different locations,” ani James.
Dugtong pa ni Nadine, “Two units po kasi kami nung time na iyon, so magkahiwalay po kami. But then okay lang kasi it’s a new experience na nandoon din kami kung saan namin gusto. I mean, Greece is one of our dream destinations po talaga. Masaya naman po.”
Nag-dinner date ba sila pagkatapos ng taping? “Palagi naman po. Kahit hindi po noong monthsary namin, as in pag may time. Kasi usually po day effect lang po kami, so pag dinner na humihiwalay yung iba, gustong puntahan itong restaurant na ito lalo na po sa Santorini. So, may time naman po kami together,” paliwanag ni Nadine.
Sila ba yung tipong nagbibigayan ng regalo sa isa’t isa during their monthsary? “Monthsary? No,” sabi ni James.
Sinegundahan din nito ni Nadine, “No. I mean, basta magkasama po kami, we’re okay.”
Kung sa una nilang teleseryeng On The Wings of Love ay naging paborito nila ang Lake Tahoe sa Amerika, dito sa Till I Met You anong lugar sa Greece ang nagustuhan nila? “Sa Oia in Santorini. Parang yung nakikita sa postcard yung may cliff tapos may blue and white houses, buildings. It’s so beautiful,” ayon kay James.
Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television at sa direksyon ni Antoinette Jadaone, ang Till I Met You ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.
Ni Glen Sibonga

LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    August 2021
    July 2021
    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
SocialPH​ | Copyright © 2021 | ​All Rights Reserved