LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Glen Sibonga Nagpaliwanag si Iza Calzado tungkol sa Instagram post ng kanyang manager na si Noel Ferrer nang usisain siya tungkol dito sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ng guest co-host na si Boy Abunda. Nag-post kasi sa IG si Noel ng wedding anniversary photo ng alaga rin niyang si Ryan Agoncillo at ng asawa nitong si Judy Ann Santos noong April 28. At sa caption nito ay tila may pahulaan si Noel kung sino ba ang susunod na ikakasal sa April 28 sa susunod na taon. “IN FAIRNESS TO RYAN, HE CAME PREPARED WITH A WEDDING BOUQUET which he gave Juday. At the end of the Mass/Ceremony, traditionally, the bouquet is to be thrown away and is caught by the next one who'll get married. NO NEED THIS TIME. Because this morning, the APRIL 28, 2018 date has been reserved for a couple in our "extended family circle" --- guess who? a) KC CONCEPCION & ALY BORROMEO, b) IZA CALZADO & BEN WINTLE, or c) SARAH GERONIMO & MATTEO GUIDICELLI? --- Fr. @titocaluag has already saved it in his calendar. UNTIL THE NEXT AUSPICIOUS WEDDING DATE. SEE YOU ALL!” Kaugnay nito diretsahang tinanong ni Boy si Iza kung ang couple ba na ikakasal sa April 28, 2018 ay sila ng boyfriend niyang si Ben? “Kapag siya po ay nag-propose na, posible,” sambit ni Iza. “Kasi ganito yun, ang dami ngang nagtatanong kung kami daw ba yun. Sabi ko, pinangunahan naman kami. Ni-reserve nila, pero hindi pa kami engaged.”
So, ibig sabihin naka-reserve talaga ang date na iyon para sa kanila ni Ben? “Yes. Parang kasi anniversary iyan nina Juday. I think also nina Lucy (Torres) at Richard (Gomez), and Sharon (Cuneta) din ba and Kiko Pangilinan. So, the intent of Noel… not just Noel but Juday… kasi we have a chat group, sabi nila auspicious yung date, sinong isusunod natin? Sabi mismo ni Juday, ‘Di ba dapat si Iza at saka si Ben.’ Tapos ni-reserve na nila.” Ang punto naman ni Iza, paano sila ikakasal kung hindi pa nagpo-propose si Ben sa kanya. Kaya ngayon hinihintay lang daw niyang gawin ito ng boyfriend niya. “It’s gonna happen. Actually, kasalanan ko din yata kasi dati, ‘I don’t wanna get married yet.’ Tapos dumarating pala yung point na, ‘Ay, pwede na akong magpakasal.’ Pero I think dumating na rin ako sa point na mas mature na ako, na alam kong lahat ng fears mo nasa utak mo lang iyan e. Parang you also manifest things. If you think about it positively, then good things will happen.” Pero mayroon na ba silang seryosong usapan ni Ben? “Yes, we talked about it, we talked about marriage. I think hinihintay lang niyang makita yung time na pag sinabi niyang ‘having kids,’ hindi na ako ‘Hmm…’ gaganun. Importante kasi sa kanyang magkaroon ng kids. And sa akin naman, slowly, kasi medyo again takot. Pero kaya iyan.” Si Ben na ba ang kanyang a love to last? “Yes. Ang bilis ng sagot ko, napa-yes ako. Yes, amen. I-claim natin. Nasa amin naman iyan e.” Samantala, ikinagulat at naging emosyonal naman si Iza sa sorpresang VTR message sa kanya ng mommy ni Ben na si Mrs. Friday Wintle. Ayon sa short message ni Mrs. Wintle, “Hi Iza, just letting you to know that we love having you in our family. And stay beautiful inside out. (Kiss)” Nang matanong si Iza kung bakit siya naging emotional, sagot niya, “Nagulat lang ako. Iyakin po talaga ako. Nagulat ako. Siya po yung mommy ni Ben, si Tita Friday. ‘Hi, Tita Friday!’ She’s very, very nice. The whole family is very nice and loving. She’s super nice and I really appreciate her and her family’s acceptance. Kasi importante iyon e. At saka sobrang na-appreciate ko kung paano nila pinalaki si Ben, kasi kung hindi nila pinalaki nang maayos si Ben, ewan ko na lang kung nag-work itong relationship namin.” Dagdag papuri pa ni Iza kay Mrs. Wintle, “She’s so pretty and she’s so chic. At saka ultimate homemaker siya, so I have super big shoes to fill.” LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|