LIKE OUR FACEBOOK PAGE
SA totoo lang, talagang na-enjoy na ng sexy star na si Francine Prieto ang pagiging dalaga. Lahat na yata ng prebilehiyo ng isang single ay paulit-ulit na niyang nararanasan at natitikman. Ang maganda kay Francine, kahit di pa siya naging nanay pero noon pa man ay tumatanggap na siya ng mother role mapa-pelikula o sa teleserye. Ang di ko malimutang pagganap ni Francine ng mother role ay nang pumayag siya na maging nanay ni Xian Lim sa teleseryeng "Ina, Kapatid, Anak" ilang taon na ang nakararaan. That time ay nasa early 30's pa lang si Francine at si Xian naman ay nasa early 20's.
Ang totoo niyan, this year pa mag-aasawa si Francine. Nakatakda siyang ikasal sa pamamagitan ng isang civil rites sa darating na September 21 sa kanyang American boyfriend na si Frank Shotkoski, isang Molecular Biologist. Matatandaan na na-linked noon si Francine sa isang tv field reporter na si Oscar Oida ng GMA 7 na ikinasal kamakailan lang sa kapwa tv reporter na si MJ Marfori of TV5. Bata pa lang ay nasa showbiz na si Francine. Siya si Ana Marie Falcon nung nasa That's Entertainment pa siya at nang mabuwag ang That’s, nagpa-sexy siya sa Seiko Films at gumawa ng ilang sexy movies bilang si Francine Prieto. Bukod sa pag-arte ay sinubukan rin ni Francine ang maging radio host. Anyway, congratulations Francine at sana'y magiging maligaya ka sa piling ni Frank. Ni Timmy Basil LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|