LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By John Fontanilla Wagi ang ating kababayan na si Cyrus Villanueva sa X Factor Australia 2015 na pinagwagian din last year (2014) ng isa pa nating kababayan na si Marlisa Punsalan. Isang half-Pinoy/half-Australian si Cyrus. Ang ama niya ay Pinoy at Australian naman ang kanyang ina. Bata pa lang si Cyrus ay nakahiligan na niyang umawit at mag play ng iba't ibang musical instruments, talentong kanyang dala dala hanggang sa kanyang paglaki.
Taglay ang kanyang killer smile, gandang lalaki at husay sa pag awit ay napabilib nito ang mga hurado ng X Factor Australia at ang lahat ng mga Australians para tanghaling grand winner ng X Factor Australia 2015. Samantalang nasa Top 5 naman ng X Factot UK ang ating kababayang 4th Impact na inaasahan ding papasok sa grand finals at tatanghaling grand winner ng X Factor UK 2015 dahil na rin sa husay kumanta at mag perform. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|