LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Favatinni San ILANG beses sinabi ni Willie Revillame na lagi siyang abono sa kanyang game show na Wowowin. Mahirap talaga maging TV host at producer. Malaking sakripisyo ang ginagawa ni Kuya Wil na mapasaya ang mga kababayan natin na umaasa sa ibibigay na cash money/papremyo para magamit nilang pantawid gastos sa kanilang pamilya. True, sikat na sikat siya sa nasabing noontime show sa Dos at Tv5, ratsada talaga at nag-uumapaw ang biyayang dumating kay Willie. Kaya nga naman, dagsa pa rin ang viewers at ang nagpa-audition sa hangaring manalo ng kotse, lupa't bahay at milyong piso.
Siyempre, marami ang nag-aasam sa mga avid viewers at nagpupunta sa studio na sana sa susunod na taon ay maging araw-araw na ang game show ni Kuya Wil. At least, maayos ang negotiation niya sa mga bossing ng GMA-7 at matuloy na rin sana ang inaasam ng fans, suki at viewers ni Kuya Wil. Kung magkaganoon maraming spots ng TV commercials ang papasok. Yun din ang ardent wish ni Kuya Wil, na mapanood na ang Tv show niya araw-araw. Anyway, tutukan natin ang huling linggong pasabog niya bago mag Bagong Taon. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|