LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Noel Asinas Tunay na napanatili ni Gabby Concepcion ang kanyang young look. Considering na senior actor na siya ngayon pero ipina-partner pa siya sa leading lady as young as Carla Abellana sa soap na Because of You. Halos kasing edad lang ni Carla ang panganay ni Gabby kay Sharon Cuneta, si KC Concepcion. Nabanggit ni Gabby sa press na malaking paghamon sa kanyang career ngayon ang paglipat niya sa GMA 7. Kasi, nagbigay ng daan sa kanya ito na makatrabaho ang young at magaling na actress ng network, si Carla.
Si Carla naman ay natuwa nang sabihin sa kanya na ipa-partner siya kay Gabby at katrianggulo si Rafael Rossel. Matagal na raw hinahangaan ni Carla si Gabby noong bata pa siya. Napapanood niya noon ang mga movies nina Gabby at Sharon kahit sa video lang. Samantala, sa refreshing and young look ni Gabby, nasabi ng actor na siya’y mahilig mag-exercise, may discipline sa pagkain at walang siyang bisyo. Tapos, umiinom ng maraming tubig. Biro nga ni Gabby na sinabi niya ito di dahil may sarili siyang ini-endorse na brand ng mineral water. Happy siya sa buhay niya dahil close siya sa kanyang mga anak na babae. Natuwa rin siya na may nagmana sa kanya sa pagsu-showbiz. Pangunahin na si KC, na bukod sa kamukha niya ay magaling din na actress ngayon ng ABS-CBN 2. Open pa rin si Gabby na mag-partner muli sila ng ina ni KC na si Sharon. Kung tama ang project ay tatanggapin niya. Sa Because of You, nakita sa soap ang versatility ni Gabby, di lang siya pang-drama, puede pa ring pang-comedy. Di pa rin kumukupas ang tatak Gabby sa harap ng camera, ang kanyang killer smile. Mahilig ding magtravel si Gabby. Minsan nakasabay niya ang isang Pinoy na nag-migrate sa Hong Kong, si Arnold P. Grospe, na managing editor ng Pinoy magazine sa Hong Kong, ang Friends International Magazine. Madali silang naging magkaibigan na dalawa. Pareho kasi sila ng hilig, ang golf. Pero, tubong Munoz, Nueva Ecija si Mr. Grospe, kaya Pinoy ang ugali pa rin kahit matagal nang naninirahan doon. Buong pamilya ni Mr Grospe ay nasa Hong Kong, ang mga anak niya ay nag-aaral din doon. Ang asawa naman niya ay isang executive ng isang Pinoy company na may branch sa dating Crown Colony. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|