LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Shane Tanayer Matatandaan nating nai-tampok kamakailan sa Wansapanataym special na “I Heart Kuryente Kid” ang Psalmstre New Placenta For Men endorser na si Ejay Falcon. Kasama nito ang kanyang leading lady sa nasabing programa na si Alex Gonzaga. ![]() Aniya ni Ejay ay sobrang naka-relate siya sa karakter na kanyang ginampanan, na kung saan ay nagkaroon siya ng superpowers matapos matamaan ng kidlat. Parang inihalintulad niya ito sa kanyang buhay na bago pa man sumikat at madiskubre ng Dos sa pamamagitan ng Pinoy Big Brother ay siya na ang nagsilbing breadwinner ng kanyang pamilya. “Panganay din po ako at meron din akong mga kapatid pero ano siya, parang parehas kami, parang ang bilis kong nakahugot sa mga karakter na ito dahil sa kuwento ni Tonio. Breadwinner din ako, ako ang nagpapaaral sa mga kapatid ko,” kuwento ni Ejay. Para sa kanya, ang pamilya niya ang nagsisilbing inspirasyon niya para magtrabaho nang mabuti para mai-ahon sila sa hirap, na siyang kinagisnan ng kanyang pamilya. Nais diumano niyang makatikim ng ginhawa sa buhay ang mga taong sobrang importante sa kanya. “Nakaka-proud kasi meron akong kapatid na magtatapos. Ang sarap ng feeling na makakatapos na ang mga kapatid ko. Parang ‘yun na talaga ‘yung premyo sa lahat ng paghihirap ko,” pagmamalaki ng actor, na sobrang proud dahil malapit nang makapagtapos ng kurso ang dalawang kapatid na kanyang pinag-aaral. At isa pang nakakatuwa kay Ejay ay ang ‘di niya paglimot sa mga kababayan niya sa Mindoro, na kung saan ay patuloy niyang binabahagian ng mga blessings na kanyang natatanggap. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng paliga sa basketball, na taun-taon niya nang ginagawa tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre at kung saan ay isa sa mga koponan sa liga, ay ibinandera ang Psalmstre Enterprises Inc. at ito ang tatak sa kanilang jersey. “Naranasan ko noong bata ako dati ‘yun nga… parang humingi ako ng gift every Christmas, hindi ko nararamdaman dati,” saad ni Ejay na sobrang saya ang nararamdaman tuwing nakikita niya ang kasiyahan ng bawat nakakatanggap ng kahit na mumunting regalo mula sa kanya tuwing sumasapit ang Kapaskuhan. Limang taon nang ginagawa ni Ejay ito para sa mga kababayan niya at sa katunayan ay kapag may shows siya sa abroad ay kanyang tinatanggihan kapag pumapatak ang imbitasyon sa araw ng kanyang paliga na naging panata na niya sa mga kabarangay. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|