Matapos ang mahigit isang dekadang relasyon ay finally mauuwi na sa kasalan ang samahan nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Masayang balita ito lalo na sa nag-iisa nilang anak na si Scarlet Snow. Sa Paris, France daw ang planong wedding venue ng dalawa, pero walang public announcement. Nalaman lamang ito dahil na rin sa isang malapit na kaibigan ng dalawa na nag confirm sa isang local entertainment portal. Ayon pa sa source, maliit na attendance lamang ang inaasahan sa wedding nina Dra. Belo at Hayden. Pero imbitado ang kilalang Christian speaker na si Dr. Ravi Zacharias para mag-officiate ng kasal nila.
Maraming pagsubok, unos at kontrobersya ang dumating sa labing-dalawang taong relasyon nina Dra. Belo at Hayden. Ang pinakamatindi dito ay ang sex video scandal ni Hayden noong 2009 na nagresulta sa pansamantalang hiwalayan nila ni Dra. Belo noong 2012. |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|