LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla Mukhang walang katotohanan ang mga napapabalitang naka-freeze at wala munang proyekto ang sikat na loveteam nina James Reid at Nadine Lustre or mas kilala bilang Jadine. Dahil kung nagtapos man ang kanilang serye ay kaliwa't kanan naman ang shows ng Jadine abroad kung saan ngayon ay nililibot nila ang Amerika habang naghihintay ng panibagong proyekto. Ongoing nga ngayon ang Jadine US tours kung saan nagtanghal sila last March 17 sa Golden Flushing Theater sa New York, March 19 sa Copernicus Theater sa Illinois, March 24 sa California Theater for the Arts Escondido, March 26 sa Alex Theater Glendale, March 31 sa Chabot Performing Arts Center (both in California). Gaganapin naman ang mga susunod nilang mga shows sa April 01 sa Ayva Center Concerts and Banquet sa Houston, Texas and April 02 sa Tropicana Las Vegas, Las Vegas, NV.
Kasama nina James at Nadine sa nasabing US tour ang G- Force Dancers at ang mahusay na stand-up comedian na si Chad Kinis. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|