LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Mylene Santos Ilan taon din ang itinagal ng relasyon noon nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban. Disente at nanatiling tahimik ang dalawa nung mga panahong nagkahiwalay sila hangga't nakahanap sila pareho ng bagong karelasyon. ![]() Nitong huli lamang ay masayang ibinalita ni Derek Ramsay na may communication na silang muli ni Angelica. Nag text daw ang ex-gf niya para batiin siya ng belated happy birthday. Bilang pag acknowledge sa sms ni Angelica, tinawagan daw ito ni Derek at pinasalamatan sa pag alala ng kanyang kaarawan. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng communication. Yun lang, matapos ang split ay ang tanging kontak nila sa isa't isa ay noong tinawagan ni Derek si Angelica tungkol sa kaso noon na isinampa ng ex-wife ni Derek kunsaan dawit si Angel sa bintang kay Derek na concubinage. Samantala, isa si Derek sa mga nagpapatunay na hindi nag-split sina Angelica at bf nitong si John Lloyd Cruz. Hindi kasi mapigilan ang mga balitang naghiwalay ang dalawa matapos may lumabas na sitsit na may nakakita daw kay Lloydie na sinusubuan ng pagkain si Bea Alonzo habang nasa isang resort sila. Pinaapoy pa lalo ang isyu nang parehong kumpirmahin nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na hiwalay na sila. Kung nuong una ay parang gimik lang para sa kapapalabas na John Lloyd-Bea movie na A Second Chance, ngayon ay parang mas kapani-paniwala ang balita dahil na rin sa kawalan ng pahayag galing sa kampo mismo nina Angelica at John Lloyd. Abangan natin sa mga susunod na araw kung may pasabog ang kampo ni Angelica. Knowing her, napaka-strong ng personality nito at pranka sa mga gusto niyang sabihin. Sa ngayon ay hayaan na lang natin na maayos nina Angelica at John Lloyd ang kanilang relasyon, kung meron ngang dapat ayusin. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|