LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Veronica Samio Kung ang pamilya ni Daniel Matsunaga ang masusunod, maaring wala nang balikan sa pagitan nila ni Erich Gonzales. Baka kung hindi pa nadamay ang mga magulang ng Brapanese hunk ay magkaro'n pa ng tsansa ang reconciliation pero, dahil nadamay nga ang pamilya niya na sinasabing nanamantala sa aktres at nagkaro'n din ng isyu sa pera kung kaya kinailangang ipagtanggol ng kapatid ni Daniel at maging ng kanyang ama ang kanilang pamilya. Ito marahil ang magsisilbing hadlang sa balikan ng dalawa. Si Erich ay nakapagsimula na ng kanyang recovery sa sandaling pananatili niya sa US. Malaking tulong din kay Daniel ang pagkakaro'n ng maraming trabaho para madaling gumaling ang sugat ng kanyang puso. Aktibo rin siya sa paglalaro ng football. Katunayan, ang team niyang Naxional ang kinatawan ng ating bansa sa isang international football competition. Idagdag mo pa ang nagsisimulang friendship nila ni Arci Munoz. Paano ba siya hindi makaka-move on nang mabilis?
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|