LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Timmy Basil SA mga fans ng AlDub na mahilig mangolekta ng newspaper clippings tungkol sa kanilang mga idolo, mahilig bumili ng t-shirts o iba pang item na AlDub ang nasa picture, this time may item na madadagdag sa inyong collection, ang album ni Blanktape na ginawa para sa mga fans ng AlDub, ang "AlDub Nation...Sa Tamang Panahon".
![]() dating Dolphy's Angel na si Yehlen Catral) kungsaan 46 na aso ang kanyang inaalagaan sa ngayon. Aminado si Blanktape na kinikilig din siya kapag napapanood niya ang dalawa kaya wish niya na mapakinggan ng AlDub ang kanyang mga nilikhang awitin na hindi naman imposible since ang GMA Records ang nag-release ng kanyang album, same record label din na nag-release ng album ni Alden Richards. Ilan sa mga sumikat na awitin ni Blanktape ay ang Tsika Lang Yun, Jejemon, Banana, Turuan Mo Ko Nyan, Pusa, Lokomoko U, Ayaw Pakinggan, Sarap ng No. 1, Wag Ganon, Pechay, Queenie, at napakarami pang iba. Kaya lang, napapansin ni Blanktape na ang mga kanta lang niya ang sikat pero siya ay hindi masyadong kilala kaya ngayon ay magiging visible si Blanktape sa mga mall shows para makilala siya nang husto ng kanyang mga fans. Nais ni Blanktape na makita at makilala nang personal sina Alden at Maine. Samantala, noong isang gabi ay naimbitahan ako sa birthday celebration ni Madam Rich Ann Catral na ginanap sa Jennyrei's Restaurant na matatagpuan sa halos tapat lang ng NCBA sa Aurora Boulevard na matagal na ring nasa catering business at doon pa ginaganap ang taping noon ng programa nina Ali Sotto at Arnel Ignacio. Labas na sa record bars ang AlDub Nation album ni Blanktape. Sa November 20 ay nasa Fisher Mall si Blanktape with Mojack, Manny Paksiw at ang Bigtime Drama band, sa November 21 sa South Chillz sa Imus, Cavite, sa December 5 sa Luneta Park, Dec. 10 sa Crossroads at sa December 18 sa World Trade Center at marami pa siyang ibang mga naka-lineup na shows. Sa kasalukuyan ay maraming mga politicians ang nagpapagawa sa kanya ng campaign jingles. For bookings, just text 09274664758. Samantala, certified na award-winning singer na rin itong si Blanktape. Tumanggap siya ng award kamakailan mula sa Awit Award pero bago niyan, naging awardee muna siya ng PMPC Star Awards For Music a few years back. Tinanggap ni Blanktape ang Best Novelty Artist at Best Novelty Album sa 2nd PMPC Star Awards for Music. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|