LIKE OUR FACEBOOK PAGE
HAPPY kaming na-meet ang Bollywood superstars na sina Kunal Kapoor at Amyra Dastur na dumating sa Manila para tumulong sa promotion ng kanilang movies na ipalalabas sa bagong Zee Sine over Cignal TV Channel 19. Mapapanood ang Tagalized Indian movies 24/7 via Cignal TV. Masayang sinalubong ng press at pamunuan ng Cignal TV at Zee Sine ang dalawang hot stars ngayon sa India na gumawa na ng pangalan sa kani-kanilang acting career.
Si Kunal ay nakagawa na ng maraming pelikula sa Bombay, India, ang center ng Indian movies. Karamihan ng ginawa niyang pelikula ay nag-hit. Memorable na movie ni Kunal ay ang Bollywood version ng Macbeth. Samantalang si Amyra ay baguhan pa lang sa Indian showbiz. Pero, nabigyan agad ng big break via Jackie Chan movie Kung Fu Yoga bilang leading lady ni Jackie. Pang-Hollywood na rin ang star value ni Amyra kapag ipinalabas na ang Kung Fu Yoga worldwide. Ang naunang movies nina Kunal at Amyra na Tagalized version ay nagsimulang ipinalabas noong Sabado, September 24. Unang pelikula ni Amyra na ipinalalabas ay ang Issaq (Love Conquers All). Samantalang si Kunal ay may comedy-romance movie na ipinalalabas tuwing 11 p.m. Ayon sa pamunuan ng Zee Sine, ang Zee Entertainment Enterprises, Ltd., may walong movies silang ipalalabas weekly. May kabuuang 3,500 titles ng Bollywood movies ang puedeng ipalabas sa Zee Sine sa Pilipinas. Ang Zee Entertainment ay worldwide na nagpapalabas ng Bollywood movies na isinalin sa iba’t ibang wika. Bukod sa Philippines, kabubukas lang nila ng local cable channel sa Germany at Latino countries. Napili nila ang Philippines bilang bagong market dahil sa growing economy ng bansa, bukod sa ang mga Pilipino ay mahilig manood ng mga romance-comedy, action at fantasy films. Punung-puno rin ng sayawan ang kanilang mga musical movies. Ayon naman sa pamunuan ng Cignal TV, headed by Cignal VP/ Head of Channels Management Sienna Olaso, “Masaya ang Cignal sa partnership with Zee Entertainment. This is a strong affirmation of Cignal’s commitment to provide the best Pay TV service to our loyal subscribers by providing them with world class shows and channels.” Sa ngayon ay may 1.4 million subscribers ang Cignal sa buong Pilipinas. Ni Noel Asinas LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|