LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San KUNG natuloy sa MMFF ang pelikula nina Kyusi Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino, sure sanang may laban sa takilya. Sadyang tahimik si Bistek, ayaw niyang magsalita na makakasakit ng damdamin ni Kris Aquino. Balik ulit siya sa busy schedule niya kunsaan pinagsasabay niya ang public service bilang Kyusi Mayor at pagiging aktor. Kaya nga di niya susubuking tumakbong senador dahil ang dami pa niyang proyekto para sa bawat distrito ng Kyusi. Nuong Disyembre 31, ang Quezon City, sa pangunguna ni Mayor Bistek kapartner ang TV5 kasama sina MVP at Mr. Noel Lorenzana, ay nagsagawa ng New Year's countdown sa Quezon Memorial Circle. Next week magiging visible sa Tv promo si Bistek para naman sa triology film na "Lumayo Ka Nga Sa Akin." Opening salvo ng Viva Films ito kunsaan sa pangalawang episode magkasama sila ni Maricel Soriano (nagsilbing reunion ng dalawa, since magkasama sila nuon sa telebisyon) sa episode na "Shake, Shaker, Shakest". Horror ang dating ng episode kunsaan na-stranded sila ni Maricel sa isang haunted mansion at duon magsisimula ang katatakutan na may halong katatawanan. Knows natin kapag nagsama sina Bistek at Maria, tiyak riot ang mga eksena. Ito ay mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|